Ang phrase na jet lag ay dating tinatawag na “boat lag,” nang hindi pa uso ang airplanes noong araw. Ang taong nagbibiyahe ng matagal na hindi namamalayan ang oras dahil nasa loob ng isang sasakyan na hindi nasisinagan ng araw ay dumadaan sa proseso ng circadian cycle na halos 25 hours na ang lumipas. Kadalasan ang normal na regulating chemicals sa katawan ay parang sinulid na umiikot na sinusundan lang ang pattern ng pagsikat ng araw hanggang paglubog nito. Ang sinag ng araw ay nire-reset ang cycle ng chemicals sa katawan sa pagitan ng 24 –hour day sa rhythm ng katawan. Sa bawat time zone minsan ay inaabot ng ilang araw para makapag-adjust ang rhythm ng katawan. Pero ang iba ay kayang lampasan ang circadian rhythms na puwedeng sumabay sa pagbabago ng time zone dahil sa ibang lugar na pinupuntahan ng isang indibidwal.