Nabutas ang Tiyan

Panaginip: Nangati ang aking tiyan kaya kinamot ko. Pero napansin kong may pimples ito kaya sinundot ko. Biglang nabutas ang aking tiyan na kasing laki ng one peso coin. Nagdugo ang aking tiyan kaya inisip kong magpunta sa doktor pero nagising na ako.---D.A. ng Quiapo Manila

Interpretation: Kapag nangangati ang tiyan, isang malungkot na balita tungkol sa kapamilya ang matatanggap mo. Kung kinamot mo at nasaktan ka, bibigyan ka ng problema ng mga relatives mo. Ang nabutas mong tiyan ay nagpapahayag na gagastusin ng asawa/karelasyon o ng anak mo ang iyong pera sa walang kuwentang bagay.

Show comments