Pananakit ng Likod
Hindi na bago ang backache lalo na sa mga taong kulang sa physical activities, maling diet, sobrang pagod, at maling posture. Nakaaapekto ito sa pang-araw-araw na gawain. Narito ang ilang mabilis na lunas para sa backache.
1. Pahiran ng ginger paste ang apektadong parte ng likod kasunod ang eucalyptus oil.
2. Magpakulo ng 10 pirasong basil leaves sa 1 tasa ng tubig at hintaying mangalahati ang tubig nito. Palamigin sa room temperature at lagyan ng asin. Inumin ito dalawang beses kung sobrang sakit ng likod at isang beses kung mild pain lang ang nararamdaman.
3. Gumawa ng garlic oil sa pamamagitan ng pagpapainit ng coconut oil, mustard oil, o sesame oil. Lagyan ito ng 10 cloves ng bawang. Iprito ang bawang hanggang magkulay brown. Salain ang mantika at palamigin. Masahihin ang likod gamit ang oil at iwanan ng ilang minuto bago banlawan.
4. Magbabad ng isang dakot ng wheat sa tubig magdamag. Haluan ng cuscus grass powder at wansoy. Lagyan ng 1 tasa ng gatas at pakuluan hanggang lumapot. Inumin ito 2 beses kada-araw.
5. Mag-cold compress sa likod ng 15 minuto.
6. Uminom ng cha-momile tea 3 beses sa isang araw.
7. Uminom ng gatas.
- Latest