^

Para Malibang

Pangalawang Anino (57)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

LUHAAN pang humarap si Yawan kay Arturo. “Arturo, huwag mong paniwalaan ang lahat na sinabi ni Itay. Papaboran niya talaga ang orihinal niyang anak, wala siyang pakialam sa akin.”

“Pero sinabi mong kaibigan lang siya, Yawan!”

“Dahil may tampo ako, may hinanakit. Kasi mas mahal sila ng Itay ko.”

“Sinabi mo rin sa akin na wala kang pinag-aralan, ni hindi ka marunong bumasa at sumulat. Bakit kailangan mo akong lokohin?”

“Dahil gusto kong lagi mo akong dalawin. Gusto ko ... pansinin mo rin ako. Mali ba kung mahal din kita?”

“Alam mong kami na ng kapatid mo.”

“Sa pag-ibig, kailangang lumaban. Pero hindi ibig sabihin  noon na masama na akong tao.”

“So inaamin mo ngayon na napakatalino  mo pala? Totoo ang sinabi ng Itay mo?”

“Matalino ako pero hindi ibig sabihin noon masama na ako!”

“May pangalawang anino ka raw na puwedeng manakit o pumatay kay Nanette?”

“Hindi iyan totoo. Nakakatawa ‘yan.”

“Pero iyon ang laging sinasabi ni Nanette. May nakikita siyang pangalawang anino!”

“May nakakita ba sa sinabi niya? Wala naman, hindi ba?”

Galit na namang sumabad si Roger. “Totoong may pangalawang anino siya! At iyon ang nananakit, pumapatay! Nasa ilalim ng utos ni Yawan ang pangalawa niyang anino. Lahat na kasamaan ay kayang ipagawa ni Yawana sa kanyang pangalawang anino.”

“Noon pa may konting sira na sa isip ang Itay. Siguro nga dahil guilty siya na iniwan niya ang kanyang unang pamilya. Hindi siguro kaya ng kunsensya niya ang kasalanan niya. Kaya iba na ang takbo ng isip niya, hindi mo na masasabing matino.”

“Napakasinunga­ling mo talaga! Napa­kawalanghiya mo!”

“Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo! Pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang puntahan kaagad si Nanette. Ngayon na may isa pang nagsabi sa akin na may pangalawang anino nga, gusto kong matiyak na walang masamang mangyayari kay Nanette.”

Napatiim-bagang si Yawana. Napangiti naman si Roger. Nakaalis na si Arturo.

“Alam mo, Yawana ... may kapangyarihan ka man ng demonyo, hindi pa rin lahat ay panalo. Talo ka sa pag-ibig!” Tinuya pa ni Roger ang masamang anak.

Itutuloy

ARTURO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with