Kalimitang naririnig ang salitang fasting, pero marami ang hindi nakakaintindi ng fasting o pag-aayuno. Lalo na kapag ang fasting o pag-aayuno na sinasamahan ng pagkain. Ang iba ay nagsasabi ng nagpa-fasting mula sa panonood ng television.
Ang fasting ay mula sa Greek word na ang ibig sabihin ay “to abstain from food.” Habang lumalayo sa nakakasira sa buhay at magkaroon ng oras na lumapit sa Panginoon. Umiwas sa mga tao at limitahan ang sarili sa pagkain. Dahil ang fasting ay self-discipline na pinapatay ang mga bagay na tawag ng laman. Malaki ang benepisyo ng fasting dahil binabago ang natural na food intake.
Ang fasting ay spiritual discipline. Hindi upang baguhin ang isipan o kalooban ng Panginoon, kundi manahimik sa harap ng Diyos. Para marinig ang pagsasalita ng Panginoon sa atin. Kapag binubusog ang sariling laman, kadalasan ay napapalayo sa Diyos. Dahil mas nakapokus sa self-gratification mula sa sariling kasiyahan at lakas. Pero sa panahon ng pagtitika ay napipigilan ang laman para natutong magkaroon ng mapagkumbabang espiritu. Upang malaman ang pagkilos at kalooban ng Banal na Espirito sa ating buhay.
Tandaan sa pag-aayuno ay hindi dapat pagpapakitang tao sa pagsasakripisyo, kundi sekreto, na ang tanging Panginoon lang ang nakakaalam na nagbibigay ng bukas na gantimpala sa ginagawa.