Ang mga misis ay dapat umiintindi sa nararamdaman ni mister at kung bakit kakaiba ang kanyang inaasta o nararamdaman.
Kailangang magbigay ng pokus kay hubby, hindi sa negatibong bagay kung paano apektado si misis. Sa kinikilos ni mister at pakikipag-usap na naghahanap ng kompirmasyon na tanggap sila ng kanilang misis. Hindi tinatanong o nag-aalangan sa kanilang ipinapakitang commitment at loyalty kay misis?
Ibigay ang assurance ng buong pagtanggap sa kanya, kahit hindi naiintindihan si mister. Kailangan manalangin para matulungan na tanggapin si mister na hindi naman talaga madali dahil araw-araw kasama ang partner sa mahirap na sitwasyon.
Pero mahalaga sa mga lalaki na tanggapin ng mga misis ang kanilang mister.
Dahil nararamdaman ng mga lahi ni Adan ang sense of love mula kay misis o partner kung sino siya ngayon, hindi sa pinipilit na baguhin ang natural na pagkatao ni mister.