Aftershock ng Lindol

MANILA, Philippines -  Mahalagang hindi mataranta kapag nararanasan ang lindol. Kapag huminto ang pag-alog, tumingin sa paligid para matiyak kung ligtas na para kumilos. Pagkatapos ay lumabas ng gusali.  Asahan na magkakaroon ng mga aftershock. Ang mga sumusunod na shockwave ay karaniwang hindi kasinglakas ng unang lindol ngunit maaaring sapat ang lakas para gumawa ng karagdagang pinsala sa mga nanghinang istraktura at maaaring maganap sa mga unang oras, araw, linggo, o maging buwan pa pagkalipas ng lindol.

Tulungan ang napinsala o naipit na mga tao. Maaaring ang kapitbahay ay nangangailangan ng espesyal na tulong tulad ng mga sanggol, matatanda, at mga taong nasira ang gamit, bahay, sasakyan, o nawalan ng kuryente. Magbigay ng first aid kung kailangan. Huwag tatangkain na ikilos ang napinsalang tao ma­liban kung nasa panganib sila mula sa karagdagang pinsala. Humingi ng tulong. Humanap at patayin ang maliliit na apoy. Sunog ang pinakaraniwang panganib pagkatapos ng isang lindol.  Makinig sa de-bateryang radyo o telebisyon para sa pinakabagong impormasyon sa emergency. Maging mapagmasid sa mga posibleng tsunami kung naninirahan sa mga baybaying lugar. Kilala rin ang mga ito bilang mga seismic sea wave na pinagkakamaliang tawagin na  “tidal wave”. Kapag nagpalabas ng tsunami warning ang mga kinauukulan, ipagpalagay na may darating na serye ng mapapanganib na alon. Lumayo mula sa dalampasigan.  Gamitin lamang ang telepono para sa mga emergency na tawag.

Tandaan na laging maging alisto sa lahat ng klase ng sakuna tulad ng lindol. (source: ready.gov)

Show comments