Spiritual Diet

Sa pag-aayuno hindi ibig sabihin ay totally bawal nang kumain.  Puwede naman kumain na ang karamihan ay umiiwas na sa pagkain ng karne.

Ang Daniel fast na tinatawag ay pinakamainam sa pag-aayuno. Ito ay ayon sa Bible na ginawa ng propetang si  Daniel para patunayan na ang pagkain ng mga gulay, prutas,  at pag-inom ng tubig ay magandang spiritual diet.

Tinanggihan ni Daniel ang mga alok na pagkain ng Haring Nebuchadnezzar na karne at inuming alak. Hindi rin nagpaimpluwensiya si Daniel sa mga makamundong gawain ng kawal ng nasabing hari.

Pagtapos kumain ng gulay at  prutas ng propeta sa pag-aayuno, at sa pagkukumpara sa pagitan ni Daniel at ng mga sundalo ng hari ay mas na­ging makisig at naging fresh ang itsura, kumpara sa mga sundalo ng hari.

 

Show comments