I-reset ang Internal Body Clock
Hindi maiwasan na naiistorbo ang pagtulog sa gabi. Pero dapat malaman ang dahilan kung bakit nagigising sa gabi. Karamihan ang pagkaputol ng mahimbing na tulog ay galing mula sa environmental o emotional factor. Lalo na kung laging katabi sa pagtulog ang cell phone na kahit walang nagti-text o tumatawag ay panay ang tunog sa bawat notification mula sa social media. Sa pag-aaral, ang artificial na liwanag mula sa computer, tablet, cell phone, o telebisyon sa gabi ay nakakagising ng sleep mode ng brain. Puwede rin kapag kasama sa loob ng kwarto ang alagang aso o pusa na naaalimpungatan kapag sila ay nagigising din sa gabi. Ang pagkain ang pinakamatinding dahilan kung bakit nahihirapan matulog sa gabi. Kapag heavy meal, unhealthy fats, spicy food, umiinom ng coffee o dark chocolate. Ang pag-inom din ng alcohol sa gabi. Ang kakulangan ng vitamin D ay hindi rin makatulog o makaiglip sa araw. Ang mineral deficiency tulad ng magnesium ay dahilan din ng insomnia. Maging ang sobrang pag-iisip o pag-aalala ay nakakasira ng tulog.
Mahalagang huwag gumamit ng cell phone isang oras bago matulog. Magpaaraw din sa umaga dahil ang cirvadian system ay kailangan ng exposure ng liwanag o sinag ng araw. Para ma-reset sa internal body clock na mabalanse at malaman na kailangan din ng complete darkness ng katawan kapag matutulog na sa gabi. Ang pag-shower ay pagbibigyan din signal sa katawan na handa ka nang pagpahinga ngayong gabi.
- Latest