^

Para Malibang

Pangalawang Anino (50)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NANLUMO si Nanette sa sinabi ng matandang banal. Dahil mahal na niya si Arturo.

At nagtuturingan na silang magkasintahan.

Masaganang tumulo ang mga luha ni Nanette. “Kaya po ba ... hindi na ako halos nadadalaw ni Arturo? Kung dumating man, huli na sa usapan?”

Tumango si Nanay Maria.

“At ... kapatid ko pa siya sa labas?” Lalo lamang nasasaktan si Nanette sa kanyang nari-realize.

“Naging tapat si Arturo sa iyo. Tinanggihan niya ang pag-ibig ni Yawana. Pero nagpanggap si Yawana na kuntento na siya sa pakikipagkaibigan kay Arturo. -Napakatalino ni Yawana pero pinalabas niya kay Arturo na hindi siya marunong sumulat at magbasa. Kaya naman si Arturo ay naaawa at ginawang misyon ang pagbibigay ng edukasyon sa anak ng dilim. Pero hindi kailangan ni Yawana ang pagtuturo ni Arturo dahil may talino siyang likas na bigay ng demonyo. Inaakit lang talaga niya si Arturo sa paraan na hindi pilit.”

Napupuno naman ng galit si Sheila. “Hindi pa ba sapat na iniwan kami ng asawa ko? Ngayon ang anak niya ay siya pang sumisira sa anak namin? Gusto kong makaharap ang Roger na ‘yan, Nanay Maria.”

“Nababahiran na rin ng pagkademonya si Alona. Silang dalawa ni Yawana, kapag lumalantad kang hindi handa ay napakamapanganib.”

“Pero ganito na lang ho ba kami? Inagawan na nga, pinaparusahan pa ng wala namang kasalanan?”

“Ang totoo niyan, Sheila ... gusto na sanang bumalik ni Roger sa inyo. Alam niyang nanganganib si Nanette kay Yawana kaya gusto niya kayong puntahan para bigyan ng babala at tulungan. Pero nasundan siya ni Yawana, naiuwi. Nasa ilalim din ng takot si Roger kahit nagsisisi.”

Napatiim-bagang na lang si Sheila. “Kasalanan din naman niya ang lahat. Kung hindi ba naman tanga, noong tinakbuhan nila ang Itay ko at mga kapatid, sukat sa Itom pa sila nagsumiksik ni Alona? Wala naman talaga kaming halaga sa kanya, hindi naman niya kami mahal!”

Niyakap ni Nanette ang naghihinanakit na ina. “Inay, lumaban po tayo. Kailangan po na­ting maging matapang.”

Binalingan ni Sheila si Nanay Maria. “May laban po ba kami? Matutulu­ngan n’yo po ba kami?”

 ITUTULOY

NANETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with