Ang dila o tongue ay hindi lang pandila, pang-roll, pang-lick, pantikim, at abutin ang ilong. Marami pang talent ang dila na puwedeng gawin.
Ang babae ay mas maikli ang dila kumpara sa mga lalaki. Ang pinakamahabang dila ng babae ay 2.76 inches. Si Thomas Blackstone ay may record na pinakamalakas na dila. Binuhat nito ang 3oz. na bigat na nakasukbit sa kanyang dila. Ang pinakamalapad na dila ay may lawak na 3.1 inches.
Ang blue whale ay may pinakamalaking dila mula sa mga hayop. Ito ay kasing laki ng elepante at may bigat na 5,400 lbs.
Sinasabing ang paglilinis ng dila ay nakatutulong na mabawasan ang panganib ng atake sa puso, pneumonia, premature births, diabetes, osteoporosis, at infertility sa mga kalalakihan.
Ayon sa Guinness World Records ang pinakamahirap na tongue twister sa Inglis ay “The sixth six sheikh’s sixth sheep’s sick.”