Mag-aral ng lengguwahe ng lugar o bansang pupuntahan. Makatutulong kahit papaano kung alam ang basic na language ng bansa o probinsiya na iyong planong trip.
Puwedeng bumili ng maliit na diksyunaryo na magagamit sakaling mahirapang makipag-usap sa mga lokal na tao sa lugar na pupuntahan.
Kapag natutunan ang bagong language ay maaaliw na higit pang mag-aral para mas lumawak pa ang kaalaman. Mas mabilis na ngayon matuto dahil isang click lang sa Google ay puwede nang mag-research. Mayroon na ring device na maaaring pang-translate ng lenggwahe tulad sa Japan, kaya mas madaling makipag-usap sa kanila.
Hindi kailangang maging genius para maka-pick up ng basic na lengguwahe, sapat na minsan kabisahin ang mga key words o phrases hanggang ito ay ma-master.