Ang colon o mas kilalang large intestine ay isa sa importanteng role sa kalusugan; kung saan natutunaw ang tubig at asin. Ang colon cancer ay kanser sa malaking bituka na kilala ring colorectal cancer na kung tutuusin ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabago rin ng life style. Maraming factor ang nasabing kanser tulad ng paninigarilyo, polusyon, diet, infection, stress, at kakulangan ng ehersisyo. Mas mababa ang tsansa na magkaroon ng colon kanser ang taong may masiglang pamumuhay.
Sa pagkain ay iwasan ang pritong pagkain, sobrang matatabang pagkain o mamantika, processed meat, alcohol, hindi pagkain ng prutas o gulay. Kaya kumain ng masusustansiyang pagkain. Makatutulong ang pagkain ng gulay at prutas na mayaman sa fiber. Inuugnay rin ang colon kanser sa sobra ang timbang o obese. Mas mainam na mayroon lamang tamang timbang. Ang bukol sa bituka ay matagal bago kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
Ang mga nabanggit ay makatutulong na mabawasan ang panganib ng kanser sa bituka. Pero kung maagang magpapakunsulta sa doktor ay malaki ang tsansa na magamot ito.