Sa pagpapatawad hindi kailangan tanggapin ang maling ginawa nila. O kaya ay payagan silang makatakas sa kanilang pagkakamali.
Sa pagpapatawad hindi ibig sabihin ay tama ang ibang tao, o payagan silang basta na lang silang hindi makabayad o makalusot sa isang sitwasyon.
Kundi mas pinipili mong mamuhay na walang galit o hinanakit.
Ang ibang nagkakamali lalo na yung guilty na indibidwal ay hindi puwedeng pilitin na magbago sa kanilang behaviour o manghingi sa iyo ng tawad; madalas na imposibleng mangyari.
Sa mga ganitong pagkakataon, ialis ang sarili mula sa sitwasyon. Subukang ipraktis na matutong tanggapin ang mga pagkakamali ng iba o ang mga nangyari.
Hayaan na palayain ang sarili na mag-let go at mag-move on sa iyong sariling buhay.
Para hindi hayaan na lamunin ng galit, bayolenteng sitwasyon, o masamang karanasan na huwag payagang maapektuhan ang iyong buhay.