1—Piliin ang shoe rack na may pintuan upang hindi nakabuyangyang ang mga sapatos. Para rin maiwasang kumalat ang amoy ng mga sapatos. Ang pintuan ay dapat na may ventilation (butas) para may iikutan ang hangin.
2—Kung open ang shoe rack, kumuha ng cloth na ipapatong dito upang maitago ang mga sapatos.
3—Ang bagong sapatos ay sa ibabaw na shelf ilagay. Sa ilalim ilagay ang luma.
4—Ang ideal number ng shelves per cabinet ay dapat na lima or less. Pero hindi dapat sumobra sa lima. Ang “5” ay nagre-represent ng kumpletong elements—fire, wood, metal, water, earth.
5—Huwag magpapatong ng Fengshui charm sa ibabaw ng shoe cabinet. Ang harapan ng sapatos ay dapat nakaharap sa loob. Kung naka-slant pataas ang shelf, ang front ng shoes ay dapat na nasa itaas.