Mahalagang maging healthy tayo. Para sa mga lalaki, kung healthy ka, healthy din si “Manoy.”
Ang bawat galaw na may effect sa kalusugan ay may effect din sa iyong kargada. Kaya dapat, maging conscious sa kalusugan para mag-function ng maayos si ‘Manoy.’
Mahalaga rin ang pagpapalakas ng pelvic floor muscles - Ang pelvic floor muscle ay may malaking parte sa erections at ejaculation.
Kapag ikaw ay sexually stimulated, kumikilos ang pelvic floor muscles upang mamintina ang matigas na penis at pagtayo nito. Ang mga muscle na ito ang responsible rin sa pag-i-stimulate ng penis mula sa malambot na itsura nito. Ito rin ang responsible para maging matigas ang penis at para mag-ejaculate. Iminumungkahi ang kegel exercise para palakasin ang pelvic floor muscles.
Ang Pelvic floor exercise o Kegel exercise ay ang paulit-ulit na contraction at pagre-relax ng muscles sa pelvic floor o ang “Kegel muscles”.
Ang kegel exercise ay nakatutulong sa erectile dysfunction. (ITUTULOY) (source: http://www.privategym.com)