Responsabilidad ng Magulang
Kung nakararamdam ng stress at pagod bilang magulang, hindi ka nag-iisa. Huwag mag-alala dahil hindi kailangan isisi sa iyo ang temper o galit na nararanasan. May mga bata lang talaga na mahirap palakihin na malaking hamon sa lahat ng magulang.
Habang hindi pa huli ang lahat, akuin ang responsabilidad sa pangangalaga sa mga anak. Maaga pa lang ay ituro na ang authority at respeto ng anak sa magulang habang lumalaki ang mga bata. Kapag pinatibay ang tamang authority sa pangunguna sa mga anak, taun-taon ay magiging systematically na ang pagsunod nito sa mga magulang.
Huwag mag-panic sa adoloscent period ng anak, dahil part lang ito ng kanilang paglaki patungo sa adulthood ng kanilang buhay. Magpokus sa anak, ipaalala sa kanila na kakampi nila sina nanay at tatay para alam nilang sila ay nasa winning team. Para hindi rin lumayo ang kalooban ng anak at ma-enjoy ang fellowship at bonding sa pagitan ng anak at magulang. Huwag mag-over act at madismaya agad sa kapalpakan na nangyayari sa bata. Hayaan ang anak mismo ang matuto sa kanilang karanasan.
Madalas sumusuko na ang mga magulang, pero pilitin na manatili sa goal na akayin at hubugin ang anak sa tamang landas. Balang araw ay lilingunin at tatawanan na lang ang mga mahihirap na panahon. At magpapasalamat na hindi bumitiw na palakihin ang anak sa tamang landas.
- Latest