Ang regular exercise is good for your health at mainam din para kay ‘Manoy.’
Basically, kung healthy ka, mas maganda ang iyong sexual function. Ang pag-e-exercise ay may malaking effect sa sexual function. Nababawasan ang stress, nakagaganda ng mood, hindi agad napapagod at tumataas ang energy.
Kung gagawin itong regular, mababawasan ang panganib sa pagkakaroon ng diabetes, sakit sa puso, stroke, high blood pressure, cancer, osteoporosis, chronic medical problems, at physical disability.
Ang exercise ay nagpapalakas ng puso na makatutulong sa maayos na pumping ng dugo sa blood vessels at mas maayos na magagamit ng muscles ang oxygen.
Mas maganda kung gagawin ang mga exercise para sa muscles na involve sa pakikipag-sex. Ang core muscle, external rotators ng balakang at ang mga importanteng muscle sa pelvic floor muscles para mag-improve ang performance. (Itutuloy) (source: http://www.privategym.com )