Grabe na ‘to!
Dalawang taon na ang nakalilipas nang maglagay ng maliliit na “sinehan” sa maliliit na siyudad sa Russia. Ito ay para magkaroon ng access sa mga pelikula ang mga Russian na walang malapit na sinehan.
Ang nakamamangha rito ay gawa sa shipping containers ang maliliit na “sinehan”. Ang Russian company na Teterin Film ang may ideya nito kung saan unang nagkaroon sa Lyudinovo na matatagpuan sa Kaluga region sa hilagang kanluran ng Moscow. Target ng kumpanya na magkaroon ng sinehan ang mga siyudad na may populasyong hindi tataas sa 100,000. Kapalit nito ay masusuportahan din nila ang Russian filmmaking sa bansa.
Halos 1/3 ng Russian population ang walang access sa mga sinehan katumbas ito ng 668 bayan na may combined population na 50 milyong katao.
Dahil sa nasabing proyekto, siguradong mas mapagaganda ang recreational time ng mga Russian.