Ilang linggo nang sunud-sunod ang sunog kung saan natupok ang ilang komunidad, kompanya, at pabrika na nawalan ng tahanan ang halos hindi mabilang na pamilya kamakailan.
Ang apoy ay nagsisimula sa isang spark na puwedeng maiwasan kung dobleng ingat ang gagawin para hindi mapahamak ang pamilya at buong komunidad.
Tandaan, kapag may sunog ay manatiling kalmado at iwasan na mag-panic. Para makaaksyon at makakilos agad. Huwag magtago ng materyales na madaling magliyab tulad ng alcohol at pintura. Lalo na malapit sa tangke ng gas o kalan. Iwasan ang manigarilyo sa loob ng bahay sa may sofa o kama. Huwag tumakbo kapag nasusunog ang suot na damit, kundi dumapa at magpaikut-ikot habang nakatakip ang mukha.
Laging siguruhin ang siguridad at kaligtasan ng pamilya sa regular na pagtsek ng wiring ng inyong tahanan.