Isa sa major skin problems ng maraming girls ay ang kanilang malalaking pores.
Pangit kasi ito tingnan lalo na sa close up pictures at selfie. Mukha ring matanda ‘pag malaki ang iyong pores.
Paano ito masosolusyunan nang hindi gumagastos ng mahal?
Katunayan, madali lang ito dahil ang pipino ay pwedeng gamitin para mawala ang appearance ng large pores.
Ihalo lang ang pipino sa apple cider vinegar, konting lemon, at honey at ilagay sa mukha ng 10 minuto.
Pagkatapos nito ay mararamdaman agad ang pag-unat ng mukha at mas healthy na glow.
Samantala, epektibo rin ang pipino sa mga na-sun burn at pekas sa mukha. Pwede itong kainin o direktang ilagay sa mukha pagkatapos hiwa-hiwain ng maninipis.