Panganib ng Social Media
Ang social network ay malaking benepisyo para magkaroon ng koneksiyon sa mahal sa buhay, kaibigan, ibang tao, at sa buong mundo.
Pero may panganib din itong dulot tulad ng pagkukumpara ng sarili sa mga nakikita sa Facebook at ibang social media na iniuugnay sa pagkakaroon ng depression.
Ang isang danger ng Facebook at Instagram ay masyadong naibibigay ang maraming impormasyon tungkol sa mga kaibigan. Dahil puwede nang i-view ng publiko at friends ang account ay nagkakaroon ng pagkakataon na maikumpara ng iba ang kanilang sarili at kalagayan.
Panay pa naman ang post ng mga friends tungkol sa maraming magagandang bagay na nangyayari sa kanilang buhay, samantalang ikaw ay napag-iiwanan. Hindi maiwasan na makontrol ang udyok na hindi maikumpara ang sarili dahil hindi mo naman alam kung ano ang ipo-post ng mga kaibigan, classmates, at kamag-anak.
Kapag patuloy na ikinukumpara ang sarili sa mga kaibigan ay maaari itong makaramdam ng inggit, bumababa ang tingin sa pagkatao, at nagkakaroon ng depression.
Puwede namang mag-click na lang ng like, love, thumbs up, o makisimpatya sa social media. Pero huwag hayaang ikumpara ang sarili sa iba.
- Latest