BABALA: Komunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Ang psoriasis ay sakit sa balat kung saan namumula ito at naiirita. Kumakapal ang balat at makati, nagbabalat din ito at sobrang sakit. Walang lunas ang psoriasis pero maaaring makontrol ang sintomas nito at maiiwasan pa ang impeksyon.
1. Maghalo ng isang tasa ng pinong dinurog na oatmeal sa bath tub na may mainit na tubig. Magbabad sa oatmeal bath sa loob ng 20 minuto. Pagkaahon ay magbanlaw ng maligamgam na tubig. Magpunas at maglagay ng moisturizer.
2. Maghalo ng 1 kutsaritang organic apple cider vinegar sa isang baso ng tubig at inumin dalawang beses sa isang araw.
3. Magbalot ng ilang ice cubes sa malinis na washcloth. Ipatong ito sa apektadong bahagi ng katawan at iwan ng 10 minuto. Gawin ito ng ilang beses matapos ang ilang oras na pagitan.
4. Kumain ng tatlong dinikdik na garlic cloves araw-araw.
5. Pahiran ng pinainit na olive oil ang apektadong bahagi ng katawan.
6. Maghalo ng 1 kutsaritang turmeric powder sa isang baso ng mainit na gatas at lagyan ng honey para tumamis. Inumin ito araw-araw sa loob ng ilang linggo.
7. Pahiran ng aloe vera gel ang balat at iwan hanggang ma-absorb. Gawin ito tatlong beses kada-araw sa loob ng ilang linggo.