May paraan para mapanatiling kondisyon si ‘Manoy.’
Basically, kung healthy ka, mabibiyayaan si ‘Manoy’ at kung walang alaga sa sarili, apektado rin si ‘Manoy.
May mga bagay na dapat isaalang-alang para mag-function nang maayos si ‘Manoy.’
Kailangang mag-maintain ng healthy weight para maiwasan ang fat deposits na maaaring makabara sa ugat na makakaapekto sa erection at kailangan ding kumain ng healthy at natural na pagkain para maiwasan ang mga plaque deposits na maaari ring makabara sa blood vessels na makakaapekto sa pag-function ni ‘Manoy,’ kailangang bawasan o iwasan ang stress, tanggalin ang paninigarilyo, at kontrolin ang pag-inom ng alcohol.
Kailangan din ng sapat na tulog
Ang pagtulog ay mahalaga sa restorative function ng katawan dahil kailangan ng brain at katawan ng pahinga. Kapag kulang sa tulog, nagkakaroon ng disruption sa endocrine, metabolic at immune functions na nagreresulta sa pagbaba ng level ng leptin (ang appetite suppressant), tumataas ang ghrelin levels (ang appetite stimulant), tumataas ang cortisol at glucose levels (tumataas ang sugar sa bloodstream). Kapag ikaw ay pagod, hindi magpa-function ng maayos ang penis.
(source: http://www.privategym.com,