• Para sa mga aso, senyales ng pagiging agresibo ang pagngiti ng mga tao. Kaya huwag ngumiti kung sa tingin mo ay mapanganib ang isang aso.
• Umiinom ng tubig-alat ang seagull dahil mayroon silang special glands na sumasala ng asin mula sa tubig.
• More than 2000 times a day kumakanta ang lalaking ibon.
• Kakaiba ang anatomy ng mga ahas kaya naman ‘di maikakaila na kaya nilang lumamon ng malalaking hayop.
• Isang aso ang minalas na namatay nang tamaan ito ng isang meteor sa Nakhla, Egypt noong 1911.
So far, ang naturang canine dog ang nag-iisang creature na namatay dahil sa meteor.
• Ang kagat ng buwaya ang may pinakamalakas na kagat sa lahat ng hayop sa buong mundo.
• Bukod sa matalas na mga mata, matalas din ang pandinig ng mga dolphin dahil nagagamit nila ito para matunton ang anumang hinahanap.
• May iba’t ibang hitsura ang mga tupa. Makikilala pa rin nila ang isa’t isa kahit pa mahiwalay ng mahabang panahon sa kanilang mga flockmates.
• Hindi umiinom ng tubig ang Kangaroo rats. Kinukuha nila ang mga fluid na kailangan nila sa mga insekto na kanilang kinakain.
• Fawn ang tawag sa batang usa.
• Ang tanging insekto na may pinakamalaking utak na proportion sa kanyang laki ay ang langgam.