^

Para Malibang

Curry Bread ng Meiji Mura Museum sa Japan Walang Tatalo!

BURP - Koko - Pang-masa

Burp Review

Pang-international naman ang peg natin ngayon kaya irerebyu natin ang curry bread na itinitinda sa loob mismo ng Meiji Mura open-air museum/theme park na matatagpuan sa Inuyama, malapit sa Nagoya, Japan.

Kilala ang bansang Japan sa kanilang curry dahil bukod sa aroma at anghang nito ay hindi talaga maikukumpara ang lasa nito sa curry sa ibang bansa sa Asya.

Ang curry bread 260 yen o halos 130 pesos ang halaga ay wala talagang katulad. Napakalambot ng tinapay nito at mabangung-mabango ang palaman na curry. Tama lang ang anghang nito at malasang-malasa kahit pa parang walang karne at puro patatas lang ang malalasahan.

Walang tatalo sa curry bread na ito na mabibili lamang sa loob ng museum/theme park. Kaya sa susunod na dumayo kayo sa nasabing pasyalan subukan n’yo ang curry bread.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa

[email protected].

BURP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with