Taksil na Nobya

Dear Vanezza,

Nagtrabaho ako sa Saudi na tuwing sahod ko ay pinapadala ko ang pera sa girlfriend ko. Ang masakit nang bumalik ako ay may ibang bf ang gf ko. Kung kailan ko siya minahal nang todo, niloko lang niya ako.Tinatanong ko ang aking sarili kung saan ako nagkamali at bakit niya ito nagawa sa akin. Hindi niya pinahalagahan ang aking pagmamahal. Hanggang ngayon ay broken hearted pa rin ako.  - Elmer

Dear Elmer,

Hindi naman lahat ng babae ay taksil. Siguro ay nainip na rin ang gf mo, pero kalimutan mo na siya. Mabuti nga’t hindi pa kayo kasal. Makakahanap ka pa rin ng iba.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments