Last Part
7— Umiiyak ang sanggol at toddlers kapag pumasok sa bahay. O, kung doon nakatira, hindi sila makatulog at nagiging iyakin.
8— Regular na may mabahong amoy na lumulutang pero hindi malaman kung saan nanggagaling.
9— Madalas mag-away ang mga hayop na alaga o kaya ay namamatay.
10—Malamig ang loob ng bahay kahit summer. Pero sa halip na maginhawan dahil malamig, kayo ay kinikilabutan.
11— Ang larawang nakasabit at nasa glass frame ay bumabagsak at nababasag. Ang mga santo sa altar ay bumabagsak at nababasag din.
Kung ganito ang inyong bahay, ang payo ng Fengshui experts ay umalis kayo at maghanap ng malilipatan. Ngunit kung hindi, humingi ng tulong sa pari o kung sinong marunong na magsagawa ng house cleansing and blessing depende sa inyong relihiyon.