Pinagkaiba ng Jam at Jelly
BURP FACT
Jam o jelly ang isa sa masarap na ipalaman sa tinapay. Pero marami ang nalilito sa jam at jelly at napagkakamalang pareho lamang ang mga ito.
Ang jelly ay gawa sa juice ng prutas samantalang ang jam ay gawa sa dinurog na prutas.
Sa paggawa ng jelly, dinudurog ang prutas at sinasala ito. Tanging ang juice lamang ang ginagamit at pinakukuluan at nilalagyan ng asukal at pectin. Ang pectin ay may chemical reaction sa asukal at init ang nagbibigay ng malapot na consistency sa jelly.
Sa paggawa naman ng jam, dinudurog din ang buong prutas pero hindi na ito sinasala. Ginagamit ang buong prutas kasama ang mga buto nito kung maliliit lang naman.
Ang jam din ay hindi na kailangan pang lagyan ng pectin dahil maganda na ang consistency nito kapag ipinahid sa tinapay.
Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest