Hindi lang dapat kondisyon ang katawan, kailangang kondisyon din si ‘Manoy.’
Kapag healthy ka, makikinabang ang iyong sexual health. Ngunit may mga bagay na dapat isaalang-alang para mag-function ng maayos si ‘Manoy.’
Kailangang mag-maintain ng healthy weight para maiwasan ang fat deposits na maaaring makabara sa ugat na nakakaapekto sa erection at kailangan ding kumain ng healthy at natural na pagkain para maiwasan ang mga plaque deposits na maaari ring makabara sa blood vessels na maaaring makaapekto sa function ni ‘Manoy’ at kailangan ding bawasan o iwasan ang stress.
Kailangan ding bawasan o tanggalin kung maaari ang paninigarilyo.
Alam nating walang magandang dulot sa kalusugan ang paninigarilyo.
Bukod sa maaari itong maging sanhi ng cancer, pinasisikip din nito ang blood vessels na nakakaapekto sa blood flow, nababawasan ang supply ng oxygen at nagdudulot ng inflammation na naglalagay sa panganib sa lahat ng parte ng katawan.
Sinasabing kapag naninigarilyo ay hindi nagtatagal ang penis erection. (ITUTULOY) (source: http://www.privategym.com/)