^

Para Malibang

Plema

PITO-PITO - Pang-masa

BABALA: Kumunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondis­yon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

 Kapag ang plema ay pinabayaan, nagdudulot ito ng pagkairita ng bronchial tubes at maaaring tumuloy sa upper respiratory infection. Pwedeng gawin ang mga sumusunod:

1. Maghalo ng 1/4 kutsaritang asin sa isang baso ng mainit na tubig. Imumog ang solution at ulitin ng ilang beses.

2. Maghiwa ng lemon at budburan ng kaunting asin at paminta. Sipsipin ito para makatulong sa pagtanggal ng plema.

3. Kumain ng hilaw na luya sa maghapon o kaya ihalo ito sa mga lutuin.

4. Humigop ng chic­ken soup dalawang beses sa isang araw. Para mas maging epektibo ito, lagyan ng luya at bawang.

5. Maghalo ng tig-1/4 kutsaritang cayenne pepper, ginayat na luya, tig-1 kutsarang honey, apple cider vinegar at 2 kutsarang tubig. Inumin ang mixture tatlong beses sa isang araw.

6. Maghalo ng 1 kutsarang honey sa isang basong mainit na tubig. Inumin ito ilang beses sa isang araw.

7. Mag-juice ng limang carrots at lagyan ng kaunting tubig. Haluan ng 3 ku­tsaritang honey at haluin. Inumin ito sa maghapon para matanggal ang plema sa lalamunan.

PLEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with