Fake Apollo Moon Landings

Marami ang nagsasabing hindi raw totoo ang Apollo moon landings noong 60s at 70s. Ayon sa ibang conspiracy theorists, naniniwala silang ang lahat ng Apollo moon expeditions ay “staged” lamang o iniarte gamit ang isang kapani-paniwalang TV studio setup at mga pinekeng “ebidensya”.

Ang teyorya ay nagsimula nang mag-publish ng sariling libro ang isang technical writer na minsang nagtrabaho at may alam sa mga rocket engine. Sabi nito sa kanyang libro, mahirap ang trip to the moon samantalang napakadaling pekein nito.

Sabi pa ng iba damay daw umano sina Walt Disney at Stanley Kubrick sa paggawa ng fake na moon landing film.

Samantala, ang pagpapatahimik sa mahigit 400,000 katao na involved sa Apollo project ay ibang kuwento naman.

Ang ilan sa mga sinasabing “mali” sa mga ebidensyang lumabas ay ang gumagalaw na flag. Walang air sa moon’s atmosphere kaya wala dapat hangin na puwedeng magpagalaw sa flag. Nang lumanding din ang sasakyan ng mga astronaut sa moon ay walang nakitang crater sa mga larawan at video na napanood. Maging ang mga anino na kalat sa iba’t ibang direksyon ay matibay daw na ebidensya na peke ito at nasa studio lamang.

Pero sa palagay n’yo may katotohanan ba ang Apollo moon landings noong panahon ng 60s at 70s? May sapat na nga bang kaalaman ang mga tao noon para marating ang buwan? Kayo na ang humusga.

Show comments