Pipino Pampababa ng Cholesterol
BURP FACT
Kung minsan ay pinandidirihan ang lasa ng pipino lalo na ng mga hindi mahilig sa gulay at prutas. Malakas kasi ang aroma nito at lasa. Pero maraming naibibigay na benepisyo ang pipino.
Narito ang ilang benepisyong maaaring makuha sa pagkain naman ng pipino. Ang pipino ay sinasabing nakaaalis ng joint pain tulad ng arthritis at gout. Nakapagpapababa rin ito ng cholesterol at nakokontrol ang blood pressure.
Maganda rin ang pipino sa mga nagpapapayat at nagbabawas ng timbang.
Ang pagkain din ng pipino ay nakatutulong sa pagsugpo ng pananakit ng ulo at nakaka-rehydrate ng katawan dahil sa water content nito.
Nakaiiwas din ito ng cancer at mainam sa mga may diabetes.
Kaya kung may makikitang pipino, ‘wag pandirihan at marami itong benepisyo.
Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest