Dear Vanezza,
Pauwi na ako ng ‘Pinas mula sa pagtatrabaho sa Saudi. Pero naiipit ako sa away ng nanay at asawa ko. Ako ang higit na nasasaktan sa hindi nila pagkakaintindihan. Balak ko sana na ilayo ng lugar ang pamilya ko sa mga magulang at mga kapatid ko. Para matigil na ang gulo na madalas isinisisi sa mga anak at asawa ko. – Kulag
Dear Kulag,
Pagkakataon sana para magkaintindihan ang asawa at nanay mo sa anumang problema nila ngayong uuwi ka na para mamagitan sa dalawa. Pero kung kailangan munang umiwas ang isa’t isa ay mas maganda nga. Kapag malamig na ang lahat ay suyuin mo pa rin ang iyong nanay para pagpalain ang buong pamilya. Ipaalala sa iyong asawa na magpasensiya siya sa nanay mo at dapat kayong magpakumbaba.
Sumasainyo,
Vanezza