BABALA: Kumunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
1. Huwag humiga kapag may nosebleed. Dapat mas mataas ang ulo sa puso.
2. Gumamit ng humidifier sa kwarto para hindi masyadong tuyo ang hangin.
3. Maligo ng mainit at huminga nang malalim para magkaroon ng moisture ang ilong.
4. Kumain ng pagkaing mayaman sa vitamin K at vitamin C.
5. Maglagay ng kaunting petroleum jelly sa daliri at ipahid sa loob ng ilong. Gawin ito ilang beses sa isang araw para mapanatili ang moisture.
6. Ngumuya ng fresh basil leaves. Pakakalmahin nito ang katawan at titigil ang pagdurugo ng ilong.
7. Magpatak ng 3 drops ng fresh onion juice sa magkabilang nostril.