Ang Diyos ang nagsimula ng panitikan. Naisatitik ang Kanyang kalooban sa tao. Ito ngayon ay Biblia, ang Kasulatan ng Diyos. Pumili Siya ng may 40 tao upang isulat ang Kanyang salita. Naisulat ito nang may 1,500 taon bago natapos. Sa ibang salita, iba’t ibang uri ng tao sa iba’t ibang dako, sa ganoong katagal na panahon naisulat ang Salita ng Diyos. Ito ang Banal na Panitikan. Tinapos ito ng dakilang Lumalang bilang paraan ng komunikasyon sa tao. Binabasa noon ang Kasulatan mula sa mga balumbon. Ngayon, ang Kasulatan ay nasa anyong aklat. (Filipino 1109).