Dear Vanezza,
May sakit na alzheimer ang tatay ko. Kapag kaharap niya ang ibang tao ay ang bait-bait niya, pero kapag ako na ang kausap niya ay wala nang ginawa kundi ang mag-emote nang lahat ng bagay na hindi naman problema. Feeling ko, pinagtitripan lang ako ni tatay. Ako na lang ang naiwan na nag-aalaga sa kanya, pero minsan hindi ko na siya maintindihan lalo na kapag wala na siyang pera. – Hasmin
Dear Hasmin,
Dagdagan mo pa ang iyong pasensiya huwag kang mag-isip ng masama dahil naghahanap lang ng lambing ang iyong tatay. Makatutulong kung may regular na check up siya sa kanyang doktor. Para mabigyan siya ng gamot na pangpakalma mula sa stress na nararanasan niya.
Sumasainyo,
Vanezza