Ang isang pagkakamali sa isang relasyon ay ang goal na gustong baguhin ang partner.
Sa sobrang pagkadismaya sa hindi gustong ugali nina mister at misis ay pilit itong tinutulak na magbago.
Halimbawa sa pagiging tahimik ni mister na gustong maging expressive.
Pero iba naman ang style ng asawa sa pagpapahayag ng kanyang sarili.
Ang madalas na style pa ng misis o mister ay ang pagpuputak at pagbibigay ng kritisismo na kailan man ay hindi epektibo para baguhin ang kasama sa buhay.
Hindi mababago ang background, heritage, at pinagdaanan ng isang indibidwal.
Ang sinumang pumapasok sa pag-aasawa ay hindi maiiwasan na laging may bitbit na tipo ng emotional baggage.
Pero kailangang tanggapin nang buong-buo ang asawa na magpokus sa positibo, mabuti, at magandang katangian nina mister, misis, partner, at dyowa.
Dahil walang ibang makapagpapabago sa isang tao, kundi ang Panginoon lamang.