Misteryosong mga Buto sa Lake Roopkund
Isang lawa sa hilagang bahagi ng India ang ilang taon ding pinag-usapan dahil sa mahigit 200 na kalansay na nadiskubre rito. Matagal pinagdebatehan at pinag-aralan kung saan galing at paano napunta sa ituktok ng bulubundukin ang mga nasabing kalansay.
Pinaniniwalaang mula ito sa mga sundalong Hapon noong World War II. Subalit nabura ito sa kanilang rason nang malamang ang mga biktima ay namatay pa noong 850AD.
Ang mga kalansay ay unang nadiskubre ng isang British forest guard noong 1942. Dahil nga sa malamig na klima roon at minsa’y nagyeyelo pa, napanatili ang buhok at laman ng ilang kalansay. Maging ang mga damit nilang gawa sa leather ay nanatili ring buo.
Ayon sa ibang teorya, kagagawan ito ng landslide at mass suicide. Pero ang kapuna-puna kasi sa mga kalansay ay may crack ang kanilang mga bungo at buto sa baliktad. Indikasyon ito na may matigas na bagay na bumato sa kanila mula sa itaas.
Sa mas malalim pang pagsusuri, naisip ng mga siyentipiko na marahil ang kanilang ikinamatay ay hailstorm. Kung saan kasing lalaki ng cricket ball ang mga hailstones na tumama sa kanila. At dahil walang masisilungan sa Lake Roopkund, nasawi silang lahat.
Sa palagay n’yo tama kaya ang mga siyentipiko o kagagawan ito ng halimaw sa bundok o kaya’y extraterrestrial?
Kayo na ang humusga.
- Latest