Dear Vanezza,
Ako po ay nasa isang long distance relationship. Two years na po kami ng boyfriend ko na nasa U.S. Ang problema ay napapagod na ako sa ganitong klase ng relasyon. Sobra po akong na-depressed. Mahal ko siya pero hindi ko maiwasang isipin kung hanggang kailan ang ganitong set-up ng relasyon, dahil siya mismo ay hindi alam kung kailan siya babalik. Hirap na hirap na po talaga ako. - Tess
Dear Tess,
Kausapin mo siya at ipaalam mo sa kanya ang nararamdaman mo. Nasa inyo ang desisyon kung ipagpapatuloy n’yo pa ba o hindi na. Tanging kayo lamang din ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa inyo. Ang mahalaga, huwag ninyong puputulin ang inyong komunikasyon. Kahit napapagod ka na, huwag kang magpadalus-dalos kundi mag-usap muna kayo.
Sumasaiyo,
Vanezza