Pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto sakaling magkaroon muli ng lindol sa bansa. Bago pa dumating ang ganitong kalamidad ay siguraduhing maging handa ang tahanan o opisina kung sakaling abutin ng lindol. Turuan ang pamilya na i-turn off ang gas, electricity, at tubig. Ituro rin sa mga bata ang pag-dial ng 911 tuwing may emergency. Magdebelop ng emergency communication plan sakaling magkahiwalay ang miyembro ng pamilya.
Siguraduhing ligtas ang bawat kuwarto sa bahay o building na may matibay na kagamitan na puwedeng pagtaguan na malayo sa salamin o babasagin. Manatili sa ilalim ng mesa hanggang humupa ang lindol.
Kapag nasa labas ay pilitin na tumayo malayo sa gusali, street lights, o kawad ng kuryente. Ihinto agad ang sasakyan at manatili sa loob ng kotse. Sa paghinto ng lindol ay mag-ingat sa pagmamaneho at iwasan ang tulay na nasira ng lindol.
Tanda na laging ihanda ang sarili maging ang buong pamilya sa hindi inaasahang kalamidad sa lahat ng oras.