Nakadadagdag ng puntos ang malinis kahit maliit lang na bahay. Kaya naman dapat panatilihin nating malinis, mabango at maayos ang ating mga tinitirhan.
Lingid sa kaalaman ng marami, hindi kailangang bumili ng mga kung anu-anong panlinis dahil may mga makikita sa ating tahanan na maaaring gawing panlinis. Tulad na lang ng white vinegar. Mas nakalilinis ito ng dishwasher dahil sa acid content nito. Maglagay lang ng kalahating tasa ng suka sa detergent cups at paganahin ng isang cycle ang dishwasher.
Isang tip naman para hindi manikit sa ilalim ng basurahan ang mga dumi at basa na galing sa ating basura ay ang paglalagay ng diyaryo sa ilalim nito. Sa pamamagitan nito ay mas mapabibilis ang pagtanggal ng basura at hindi ito maninikit at mag-iiwan ng mabahong amoy.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!