May iba’t ibang dahilan ang pain sa penis na maaaring may kasabay na pangangati, irritation, at iba pa.
Maaaring ito ay dahil sa aksidente o sakit.
Ang mararandamang sakit ay depende sa sanhi nito.
Ang mga dahilan ng penis pain ay Peyronie’s Disease o pagbaliko ng penis, Priapism o ang matagal na erection ng penis na hindi bunga ng arousal at Balanitis na isang infection sa foreskin at sa ulo ng penis na, Sexually Transmitted Infections (STIs), injuries at Urinary Tract Infections (UTIs) na naunang natalakay.
Ang isa pang maaaring sanhi ng penis pains ay
Phimosis and Paraphimosis.
Ang Phimosis ay nararanasan ng mga lalaking hindi pa tule kapag ang foreskin ng penis na hindi maaaring banatin mula sa ulo ng penis.
Nangyayari ito madalas sa mga bata pero nangyayari rin ito kung ang balanitis o injury ay nag-iiwan ng peklat sa foreskin.
Ang Phimosis ay parang mahigpit na ring o “rubber band” ng foreskin sa paikot ng dulo ng penis na pumipigil sa full retraction.
Ang isa pang kahawig na kondisyon na paraphimosis ay nangyayari kapag nahihila ang foreskin mula sa ulo ng penis pero hindi bumabalik sa dating itsura na nako-cover ang penis.
Ang Paraphimosis ay itinuturing na medical emergency dahil puwedeng hindi makakaihi dahil dito o puwedeng maging sanhi ng pagkamatay ng tissue sa penis.
(Source:http://www.healthline.com/)