Hindi Makatayo Mag-isa

Dear Vanezza,

 

Gusto ko nang makipaghiwalay sa mister ko dahil hindi na nagbago sa pambababae. Kaso matagal na akong walang trabaho kaya siya lang ang nagbibigay sa akin ng pera. Kapag nag-aaway kami ay hindi niya ako inaabutan kahit singko. Kaya wala akong choice kundi pagtiisan siya. Pero kasi nawalan na ako ng respeto at gana sa kanya. Sabi ng anak ko ay pagtiyagaan ko muna ang tatay niya dahil sa hindi ko pa kayang tumayo mag-isa. – Elsie

Dear Elsie,

Mahirap ang umaasa lang sa iyong mister kung ganyan ang sitwasyon mo. Kailangang mong mag-isip ng pagkakakitaan kahit sa maliliit na pagtitinda, pagluluto, o kung saan ka mahilig. Para magkaroon ka rin ng sariling pera na hindi kailangang manghingi sa kanya. Kaya rin siguro malakas ang loob ng asawa mo ay dahil alam niyang hindi mo siya kayang iwan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments