Para Iwas Stress at Tensiyon

Ang pinakamadaling paraan para maiwasan ang stress at tension ay huwag pahirapan ang sarili.

Ang mga taong mas compassionate o mahabagin sa sarili ay mas konti rin ang nararanasang stress sa buhay. Ang self-compassion ay iniuugnay sa pagiging optimistic at energetic.

Higit sa lahat ang pagiging kind sa sarili na huwag masyadong pintasan ang itsura mo sa harap ng salamin. Lahat ay puwedeng magkamali at nabibigo, kaya hindi ka exempted para hindi mapatawad ang sarili sa kapalpakang nagawa mo.

Intindihin din ang sarili na kailangang balanseng pagpapahalaga hindi lang sa needs ng iba, kundi ng sariling mong happiness.

Show comments