Ang mga taong ipinanganak sa year of the SHEEP ay nakakaranas ng magandang kapalaran sa Years of the Rat, Snake, Horse, Monkey, Rooster.
Hindi sila masyadong sinusuwerte sa Years of the Ox, Sheep at Dog.
Kapalaran ngayong 2017 or Year of the Rooster:
Sa mga negosyante, maganda ang hinaharap sa 2017. Makinig sa suhestiyon ng mga empleyado.
Kaya lang, huwag papasok sa negosyong kakaunti lang ang iyong knowledge.
Sa mga namamasukan or empleyado, doblehin ang pagsisikap upang lumaki ang kinikita.
Ang wealth luck ng Sheep ay parang “seesaw”.
Maraming pera ngayon, bukas naman ay sobrang gipit.
Paghandaan mo ang ganitong sitwasyon, lalo na ang nasa edad 26 at 50.
Sa health luck, average lang ito pero dagdagan ang pag-iingat 38 at 62 year-old-Sheep.
Ang pagbibigay ng horoscope ay isang paraan upang bigyan ng babala ang mga tao.
Sa puntong ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang tao na kontrahin ang pangit na kapalaran sa pamamagitan ng pag-iingat, panalangin at pagiging positive sa lahat ng oras.