Pang-alis ng Pekas

1. Pahiran ng fresh lemon juice ang mukha at marahang masahihin. Iwan ito ng 15 minuto bago banlawan ng mali­gamgam na tubig. Gawin ito dalawang beses kada-araw.

2. Maglagay ng sour cream sa apektadong parte ng mukha at hayaang matuyo. Marahang punasan ang sour cream sa mukha gamit ang tissue o bimpo bago lagyan ng moistu­rizer. Gawin ito isang beses sa isang araw.

3. Maghalo ng honey at tubig at sandali itong pakuluan sa microwave. Ipahid ito sa apektadong parte ng mukha at hayaan ng ilang minuto bago banlawan ng mainit na tubig. Gawin ito araw-araw.

4. Pahiran ng fresh papaya juice ang mga pekas gamit ang cotton ball at masahihin. Banlawan ito ng malamig na tubig pagkatapos ng 10 minuto. Gawin ito isang beses kada araw hanggang makita ang resulta.

5. Maghiwa ng pulang sibuyas at marahang ikuskos sa pekas. Gawin ito dawalang beses sa isang araw hanggang mawala ang pekas.

6. Uminom ng vitamin E oil o olive oil para mabawasan ang pekas.

7. Pahiran ng juice mula sa labanos ang pekas at iwan ito ng sampung minuto bago banlawan. Ulitin hanggang mawala ang mga pekas.

Show comments