Chinese Horoscope for 2017

Part 7

 

HORSE -Ang mga taong ipinanganak sa year of the HORSE ay nakakaranas ng magandang kapalaran sa Years of the Rabbit, Monkey at Dog. Hindi sila masyadong sinusuwerte sa Years of Rat at Pig.

Kapalaran nga­yong 2017 or Year of the Rooster: Posibleng makatanggap ng promotion sa trabaho dahil sa impluwensiya ng isang babae. Sa mga negosyante, malaki ang tsansang mag-expand sa business. Pero siguraduhin na pamilyar ka sa negosyong papasukin. Dapat ay solo ka lang at walang kasosyo. Sa pangkalahatan, babae ang magiging instrumento ng inyong career luck. Lalong gaganda ang suwerte kung ang negosyo ng Horse ay may kinalaman sa pagpapaganda ng babae. Mag-ingat sa kakumpetensiya sa promotion sa trabaho or sa negosyo. Sila ang magiging hadlang sa iyong success.

Doble ingat para makaiwas sa pinsala dulot ng metal objects. Laging magdasal. Ingatan ang kalusugan upang hindi magkaproblema sa respiratory system, heart and blood vessels, stomach, at urinary system. 

Show comments