Sanhi ng pananakit ni Manoy (3)

Ang pain sa penis ay may iba’t ibang dahilan.

Maaaring ito ay may ka­sabay na pangangati, irritation, at iba pa.

Narito ang iba’t iba pang maaaring sanhi ng penis pains.

Balanitis -  Ang Ba­lanitis  ay isang infection sa foreskin at sa ulo ng penis.

Ang mga lalaking nagkakaroon ng ganitong infection ay yung mga hindi pa natutule.

Ito ay bunga ng poor hygiene.

Kapag hindi nahuhugasang maigi ang ilalim ng foreskin, ‘di malayong magkaroon ng infection.

May mararamdamang sakit sa penis pero hindi naman ito nanga­ngahulugang seryosong karamdaman.

Kahit ang mga natule na ay puwedeng magka balanitis  kapag nakakuha ng yeast infection, sexually transmitted infection (STI), o allergy sa sabon, pabango, o iba pang produkto.

Ang mga karaniwang sintomas ay  kumukulubot na foreskin, discharge, at pangangati ng genitals.

Para maiwasan ang balanitis, iwasan ang paggamit ng mababa­ngong sabon, lotion, o pulbos.

Ang balanitis ay magagamot ng topical medication.  (Source:http://www.healthline.com/)

 

Show comments