Ang Chinese New Year na kilala rin bilang Spring Festival sa China ay importanteng traditional holiday sa nasabing bansa.
Ang New Year holidays ay pinakamalamig na winter sa China na hinihintay ang susunod na pagsisimula ng tag-sibol para sa kanilang Spring Festival. Katulad ng Pasko at New Year sa ibang bansa, ang Chinese New Year ay simpleng pinakahihintay na pinakamapalad na panahon.
Ang mga Chinese na magsasaka ay nagpapahinga muna bilang paghahanda bago magtrabaho sa kanilang sakahan. Tradisyonal na nagdiriwang ang mga Tsino na simulan ang bagong taon ng pagsasaka at nananalangin na magkaroon ng magandang ani. Kasama na ang bagong negosyo na ang wish ay magkaroon ng masagana at matagumpay na business.
Inaabot ng pitong araw ang official holidays sa pagdiriwang na tinatapos sa tradisyonal na Lantern Festival. Naka-display ang magagarang lantern na may pagsasaluhan na dumpling soup.
Ang 2017 ay taon ng mga rooster na kahit sinasabing bad luck sa mga ipinanganak ng Rooster year. Pero ang mga roosters ay kilalang hardworking, resourceful, courageous, at matatapang.